“You said you were going to go back to Manila after your father’s funeral but you didn’t." malambing na wika ng babaeng bisita habang nakayakap kay Carlo. Masyado akong nag-aalala ako kaya sumunod na ako rito.”
Tama ang hinala niya. Mukha ngang alembong at malandi ang bisita ng binata. Hindi naman malaswa ang suot nito pero tila posporo kung ikiskis nito ang sarili sa binata. Hindi na siya magtataka kung bigla na lamang itong magliyab sa harapan niya.
"Maganda pala itong lugar ninyo." Inikot nito ang tingin sa kabuuan ng bahay. "I could actually live here!” Tikhim lamang ang isinagot ni Carlo habang pasimpleng inilalayo ang katawan mula sa pagkakayakap ng nito.
Sadya niyang binigatan ang paghakabang para lumikha ng tunog ang kanyang mga paa habang bumababa sa hagdan. “At sino naman ang isang ito, kapatid mo?” nakataas ang kilay na tanong ng babae nang makita siya.
“I’m an only child Isabelle,” simpleng tugon ng binata.
“Well, who is she?” mataray pa ring sabi ng babae habang binibigyan siya ng nang-uuring mula ulo hanggang paa. “Hindi naman siya mukhang katulong.”
Naningkit ang mata niya sa sinabi nito at hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Carlo. Kitang-kita niya ang lihim na pagngiti nito.
“Why don’t I take you on a tour of the place tomorrow?” nasabi na lamang ng binata para basagin ang tensyon sa pagitan niya at ni Anabelle.
Dagli naman itong humarap kay Carlo at muli itong niyakap. “Oh, yes! I’d love that!” nasisiyahang sabi nito sabay halik sa pisngi ng binata. “The bus ride was excruciating but you’re making it all worth it.”
Hinawakan niya ang katabing vase at wala sa loob na pinilipit ang mga dahon roon. Talagang sinusubok ng alembong na ito ang kanyang pasensiya. “Ano iyan?” kunot-noong sabi ni Carlo nang makita ang ginawa niya.
Nang makabawi ay matamis siyang ngumiti. “Wala," Iniabot niya sa babae ng mabigat vase na may lamang malalaking poinsettia. "Naisip ko lang na ibigay ito sa napakabait at napakaganda mong bisita.”
“Ay...!” nabibiglang sabi ni Annabelle matapos mapilitang tanggapin ang vase mula sa kanya. "My God, Carlo, help me with this!"
Ngali-ngaling sabunutan niya ang babae dahil sa sobrang kaartehan nito. “Aakyat na muna ako at may tatapusin pa ako.” Huwad siyang ngumiti sa para itago ang nararamdaman inis. “Magandang gabi inyong dalawa."
Bago umalis ay nakita niyang kinuha ni Carlo mula kay Anabelle ang vase at inilapag iyon sa marmol na sahig. “Well, whoever she is, she’s a bitch.” narinig niyang bulong ng babae na mahinang ikinatawa ng binata.