“DENNIS, nakita mo ba si Ace?” tanong niya sa isa sa mga maintenance engineers na naka-duty sa hangar ng araw na iyon.
“Good afternoon, Ma’am.” Tumingala ito sa kalangitan. “He’s up there.”
Kumunot ang noo niya at tila nagkabuhol-buhol ang dila sa narinig. “U-up there, where?” agad na tanong niya rito. Diyos ko, huwag naman sana!
“There,” sabi uli nito sabay turo sa itaas.
Halos umakyat ang lahat ng dugo sa ulo niya sa nakita. The small aircraft Dennis was talking about was flying in big loops in the sky and she had to gasp for air each time it went for a circular spin. God, napakabata pa niya para ma-high-blood ng ganito.
Tumakbo siya at hinabol ang eroplano na para bang maririnig ng mga sakay niyon ang pagtutol niya. “NOOO!!!” She was beyond furious.
Jet had always been a flying daredevil, pero hindi niya sukat akalain na pati ang anak nila ay isasama nito sa panunukso nito kay Kamatayan.
Anim na nakakaliyong minuto pa ang hinintay niya bago bumaba ang mag-ama mula sa himpapawid. Ace went out of the Cessna plane looking exhilarated. Kasunod ng anak niya ang tatay nitong palagi na lamang nagpapakaba sa puso niya.
“Mom, did you see that, huh?” masayang sabi sa kanya ng anak. “Did you see that?”
“Ace, go to the office.” pigil ang galit na sabi niya rito. “Hintayin mo ako roon.”
Sumunod naman sa kanya ang anak. “Bye dad...!” paalam nito kay Jet.
Iyon lang at inilang hakbang na niya ang pagitan nila ng binata. “What the heck were you thinking?” galit niyang sabi rito. Pinagpapalo niya ito sa dibdib.
Sinalo nito ang kamay niya. “What?”
“Bakit mo pinasakay ang anak ko sa eroplanong iyon?” sigaw niya sa binata. “Paano kung may nangyaring masama sa inyo— sa kanya?”
Nagkibit-balikat lamang ito. “That was just a basic maneuver,” balewalang sabi nito na mas lalong nakapagpa-init ng ulo niya. “You’ve seen me do crazier things.”
Pinagsalungat niya ang mga kamay sa dibdib. “There goes that devil-may-care attitude again, Jet. Tumanda ka na’t nagkaanak pero ganyan ka pa rin!”
“Same goes to you,” simpleng sumbat nito. “May anak na tayo pero kung sinu-sinong lalake pa ang nakikita kong kasama mo.”
“Aba’t--”
“Akala ko ba may date kayo ni Logan mo?” pag-iiba nito ng usapan. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa kagaya ng palagi nitong ginagawa.
“Wala kaming date ni Logan. Inimbitahan niya akong kumain sa labas kagabi bilang kaibigan kaya sumama ako. That's all there is to it.”
“I see,” tatangu-tangong sabi nito. “Sabi kasi ni Ace ay palagi raw nasa bahay ninyo noon ang kunehong iyon. I thought you had a dating routine of some sort.”
“Teka nga...” tila nagdududang tanong niya rito. “Nagseselos ka ba sa kanya?”
“Kapag sinabi kong oo, maniniwala ka ba?”
She was caught off-guard by his question. “H-hindi...”
Bumuntunghininga ito. “Then I guess this conversation is over.”
“Okay. Fine. But if you want to crash and burn, do it alone.” she said in a peeved tone. “Huwag mo na sanang idadamay ang anak ko.”
“Of course,” sang-ayon nito. “On one condition...”
Sa pagkabigla niya ay hinapit nito ang katawan niya at binigyan siya ng isang maalab na halik at hindi niya napigilan ang sariling tugunin ang binata. Bahagya pang tumaas ang kamay niya sa ere na tila ba hindi sigurado kung ilalayo ang sarili mula rito.
Si Jet na mismo ang unang kumalas. He left her with her eyes closed and her lips half opened, na tila ba kulang pa sa kanya ang halik na iyon.
“See babe? I’m a much better kisser than him.” anito bago umalis sa harapan niya. She was stunned. Ilang metro na ang layo ni Jet mula sa kanya bago siya nakahuma.
“You... you beast!” she yelled, but he was already too far away to even hear her.