Untamed Heart Snippet #2


KULOG. Kidlat. Ilang oras nang naglalakad si Bianca pero hindi pa rin niya makita ang daan pauwi. Naku, mukhang uulan pa yata!

Umalis si Jenna kasama si Trishy nang araw na iyon kaya wala siyang magawa sa loob ng mansion. Ayaw din naman niyang magbabad sa sala dahil baka makita niya si Luke at masira na naman ang araw nilang dalawa.

Inabot siya ng inip sa silid niya kaya nagpasya siyang magpahangin muna sa labas. Buong maghapon siyang naglakad sa kanlurang bahagi ng hacienda kaya hindi na rin niya namalayan ang paglipas ng mga oras.

She breathed fresh air to clear her mind. Sa Maynila siya lumaki at nagkaisip kaya sanay siya sa walang katapusang traffic at polusyon. This place, on the other hand, looked every inch like paradise. She would only be too glad to stay here forever.

Bigla ang pagdilim ng kalangitan at wala siyang makitang isa man na pwedeng mapagtanungan. Naisip niyang bigla ang binata. Siguradong magagalit na naman ang lalakeng iyon kapag nalamang wala pa siya sa bahay sa oras na iyon.

Huminto siya sa paglalakad at hinubad ang kanyang suot na sapatos para masahehin ang pagod na mga paa. Pagkatapos ay naiyakap niya ang mga kamay sa kanyang sarili. Nasaan na ba kasi ang trail na dinaanan niya kanina?

Ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin niya alam kung alin sa nagsasanga-sangang daan ang dapat niyang tatahakin. Unti-unti na siyang ginagapangan ng takot lalo na at may narinig siyang ungol ng malaking aso mula sa kung saan.

Isa pang ungol ang narinig niya. Now she was really scared to death. Luke Gabriel nasaan ka na ba? Hindi mo man lang ba ako hahanapin?

She let out a sigh of relief when she heard the sound of horse’s hooves from a few meters away. Hindi siya pwedeng magkamali sa malaking bultong papalapit sa kinaroroonan niya sakay ng isang itim at malaking kabayo.

Tila hinahabol ng sampung demonyo ang binata habang palinga-linga sa buong kapaligiran. Marahil ay hindi siya nito nakita dahil sa maliit na punong nakatabing sa harapan niya. Halatang desperado na ito kahit sa malayuan.

“Luuke...! Nandito ako!” natatarantang tawag niya rito na agad rin niyang pinagsisihan nang makita ang biglang pagdilim na mukha nito. Oh dear...!

He veered the horse towards her direction. “Hiyaah!”

Pinahinto nito ang kabayo ilang metro ang layo mula sa kanya at buong pagmamadaling bumaba mula roon. “L-luke...”

“You scared the bejesus out of me, lady!” pagkuwa’y galit na galit na sigaw nito habang papalapit sa kanya. Nahintakutan siya sa anyo nito. He looked like he was about to pounce on her with his mighty fists.

“Saan ka ba nagsususuot at dito na kita sa sangang-daan nakita?” kagyat na angil nito. “Alam mo bang mapanganib ang lugar na ito lalo na kapag gabi?!”

Tila gusto niyang maiyak sa inasal ng lalake. Akala siguro nito ay isang laksa siyang tanga kaya siya naligaw ng daan. Namayani ang tensyon sa kanilang pagitan.

She embraced herself. “N-nanginginig na nga ako sa takot dito tapos may gana ka pang magalit.” Ngayon ay natabunan na ng pagkapahiya ang takot na nararamdaman.

“You deserve it!” he snapped. “Ang tigas-tigas kasi ng ulo mo!”

Luke was dragging his words as if he lacked air to breathe. Hindi na siya sumagot pa dahil baka kapag nagsalita siya ay pumalahaw lamang siya ng iyak. Hindi niya ito bibigyan ng kasiyahan na makita siyang nasasaktan.

Pero nang makita ang pamumuo ng luha sa mga mata niya ay bigla ring lumambot ang boses nito. “Let’s go," He reached out his hand to hold her by the arm. "It's getting dark out." Maging sa ginawang iyon ay naging maingat na ito.

Inakay siya nito at pinasakay sa dala nitong kabayo bago ito sumakay sa gawing likuran niya. Moments of silence took over. Tila sanggol na nakakandong rito ang posisyon niya kaya malaya niyang naihilig ang ulo sa dibdib ng binata.

She was already in the verge of crying. Pero nanatili pa rin siyang tahimik habang tinatahak nila ang daan pauwi. Naging alipin siya ng magkahalong hiya sa sarili at sama ng loob kay Luke. She suddenly felt weak yet protected in his arms.