Untamed Heart Deleted Scene #1


ARAW ng kasal nila ni Luke. Maaga pa kanina ay dumating na ang mga magulang niya kasama si Yaya Gelay kagaya ng ipinangako ng mga ito. She was so thrilled to see them again.

Tatlong katok ang narinig niya mula sa pinto.

“Napadalaw ka,” walang-emosyong sabi niya nang mapagbuksan ang bagong dating.

“I’m really not in the mood to argue with you right now, Bianca.”

Tiningnan niya ito mula ulo hanggang papa. Ngayon lamang niya ito muling nabistahang mabuti. She didn’t want to admit it but he looked gorgeous in his white polo shirt, leather shoes and black trousers. Kung hindi siya nagkakamali ay mamahaling designer outfit ang suot nito. May taste rin pala ang kunehong ito.

Lumabi siya. “Anong kailangan mo?”

“Bakit hindi ka pa nagbibihis?” anito nang makitang pantulog pa rin ang suot niya.

“Kanina pa naghihintay ang judge na magkakasal sa atin.”

“I need two hours to prepare.”

Tila na high-blood na naman ito sa sinabi niya. “Two hours?!”

“Yes,” taas-noong sabi niya. “May problema ba?”

Sumagap ito ng maraming hangin. “Everyone’s in the library except for you. Tapos sasabihin mong paghintayin natin sila ng dalawang oras?”

“Give me an hour then.”

Umiling ito. “Thirty minutes.”

“Kung gayon ay walang kasalang magaganap!”

Katahimikan.

“Bianca, our parents are expecting us to get married as soon as possible,” yamot na sabi nito. “We really don’t have much choice regarding the matter, do we?”

Nanatili siyang tahimik. She was giving him a cold shoulder. Bumuntung-hininga ito na tila nawawalan na ng pasensiya sa kanya. “Look, Judge Guttierez is a very busy man. Hindi lang tayo ang ikakasal niya sa araw na ito kaya pwede ba—”

“Well kung ayaw mong maghintay, kayong dalawa na lang ang magpakasal,” aniya sabay irap rito. “Napilitan lang naman akong pakasalan ka kaya huwag mo akong asarin!”

Luke gritted his teeth.

“Bakit, ikaw lang ba ang napilitan sa sitwasyong ito?” Tumawa ito ng pagak. “I never even dreamed of marrying someone like you. Not in this lifetime!”

“Someone like me?” aniya sabay turo sa sarili. “What do you mean someone like me? Hoy lalake, maraming nagpapakamatay sa beauty ko sa Maynila, baka akala mo.”

“Hindi mo ba nakikita? Wala tayo sa Maynila!”

Saglit siyang hindi nakaimik.

“I’m— I’m beautiful,” wika na lamang niya sa kawalan ng masabi.

“I know,” simpleng sabi nito sabay kibit-balikat. “But you’re not my type.”

Not your type!? The nerve!

“Ah ganoon ba?!” angil niya. “Well then, magpakasal kang mag-isa mo! Bastos!”

She heard him mutter something under his breath. Marahas nitong hinila ang kamay niya papasok sa silid at isinara ang pinto sa likuran nila.

“Magbihis ka,” mariing utos nito.

“Ayoko nga!”

Sinimulan nitong hubarin ang mga butones ng suot niyang pang-itaas. “What— are you doing?” nahintakutang sabi niya.

“Kung ayaw mong magbihis ay ako mismo ang magbibihis sa iyo,” balewalang sabi nito na tila ayaw magpapigil sa ginagawa.

“No…!” mariing tutol niya. Inilayo niya ang sarili mula rito.

He suddenly stopped and looked at her. “Thirty minutes?”

Binigyan niya ito ng nakamamatay na tingin. “Okay. Okay. Bababa na ako kaagad.” Ang walanghiya at gusto pa yata akong tsansingan!

Saglit na katahimikan.

“Fine.” Tinungo nito ang pinto. “Go down in thirty minutes or I swear I’m gonna rip your clothes off and dress you up myself.”

Iyon lang at iniwan na siya nito. Nagngingitngit man ay sinunod niya ang utos ng binata. Luke didn’t seem like he was joking when he said that.