Untamed Heart Deleted Scene #2


“L-LUKE...” nahihiyang bulong niya sa kanyang asawa habang nasa daan sila pauwi sakay ni Black Knight.

“What?”

She pouted her lips. “I think I have to pee.”

“Malapit na tayo sa bahay. Give it a few more minutes.”

“Hindi na pwede eh,” giit niya. “I really have to pee. As in right now.”

“Bianca, walang banyo rito at ang pinakamalapit na bahay ay isang kilometro pa ang layo,” paliwanag nito. “Hayaan mo at patatakbuhin ko ng matulin si Black Knight.”

Hindi siya sumagot bagkus ay sumimangot. Luke groaned. “Next time we come here, bring some adult diapers.”

“Eh sa talaga namang naiihi na ako, alangan namang pigilan ko ‘to!”

“Oo na. Wala na akong sinabi.” Bahagya nitong itinaas ang kamay bilang pagsuko. Umibis ito mula sa kabayo at tinulungan siyang makababa.

Tiningnan niya ang paligid. “Wala man lang ba kayong urinals dito?”

“Ekta-ektaryang lupa ang tinutukoy mo. How the hell am I going to install urinals in a land this big?” yamot na wika nito, reminding her of the man she used to know.

“It was just a suggestion.” Nameywang siya. “In the first place, ikaw naman ang nagpumilit na ipasyal ako rito hindi ba? Malay ko ba naman nag ang layo-layo nitong pupuntahan natin.”

“I’m not gonna argue with you anymore, Bianca.” anito habang hinahawi ang mayayabong na dahon sa kanilang harapan. Kapagkuwan ay itinuro nito ang mataas na lupa sa ilalim ng malaking puno. Ginagap niya ang kanyang zipper.

“Titingin ka?” takang sabi niya nang makitang hindi ito umalis sa kinatatayuan.

“Ano ba masama doon gayong asawa mo naman ako.”

“Aba, hindi pa naman ganyan kalalim ang level of intimacy natin,” pangangatwiran niya. “Kaya, please, tumalikod na ka muna.”

Tumirik ang dalawang mata nito bago tumalikod at lumayo ng ilang hakbang. “Oh God, give me patience right now,” he murmured under his breath.

Lihim siyang napahagikhik. He looked so cute when he was pissed. “Hintayin mo ako riyan,” Binuksan niya ang butones ng suot na stretch pants.

“Hurry up…!” he mumbled. “Ayokong gabihin tayo sa daan.”

She made a face. Akma na siyang uupo nang may makita siyang nakalambitin sa sanga sa mismong ibabaw ng ulo niya. Nangalisag ang mga balahibo niya sa katawan.

“Oh my God, Luke, is this... a... a snake…!?” Sinundan niya ang tanong na iyon ng isang nakabibinging tili.


MUNTIK nang mawalan ng balanse si Luke nang marinig ang tili ni Bianca. Nakasandal pa man din siya sa isa sa malalaking punong naroroon.

Nagkukumahog niyang pinuntahan ang kinaroroonan nito. He saw a medium-sized python dangling it’s head over her and it looked as if it was ready to strike. Itinaas niya ang kamay sa ere para pakalmahin ito. “Don’t move.” Buong liksi niyang dinakma ang ahas sa leeg at hinila mula sa malaking sanga.

Tila nakahinga naman ito ng maluwag si Bianca nang makita ang ahas na nakapulupot sa kamay niya. Pero sa kabila noon ay halatang nanginginig pa rin ito sa takot. He wanted to slit the snake’s throat when he saw tears flowing from her eyes.

Hindi niya alam kung ano ang uunahin sa mga sandaling iyon.

“Dito ka lang,” Binitbit niya ang ahas at itinapon iyon ilang metro ang layo mula roon. Pinagpag niya ang magkabilang kamay at iiling-iling na binalikan si Bianca. Kung bakit kasi napakalapitin nito ng disgrasya!

Pero agad naming napalitan ng awa ang pagkayamot niya nang makita ito. “I’m scared...” anito na nanginginig na tinig nang makalapit siya. Halatang takot na takot pa rin ito.

Yumuko siya sa harapan ni Bianca. “Don’t be, sweetheart, I’m here,” aniya kasabay ng pagpahid ng mga luha nito. He kissed her deeply on the lips to calm her. Walang salitang namutawi sa mga labi nito.

“Are you okay now?” maya-maya pa ay tanong niya rito.

She nodded and reached out to hug him. Ilang sandali silang nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa tuluyan nang mawala ang panginginig nito.


“ANO ba’ng nginingiti-ngiti mo diyan?” saway niya kay Luke nang muli na silang makasakay kay Black Knight.

Umiling ito. “Nothing,” he said, disguising a naughty grin on his face.

Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin siya maka-get over sa nangyari. My golly, muntik nang kagatin ng sawang iyon ang ilong niya!

“Nothing?” yamot na sabi niya. “Eh bakit para kang kinikiliti riyan?”

“Naisip ko lang kasi na baka mas natakot pa ‘yong pobreng ahas kaysa sa iyo,” tatawa-tawang sabi nito. “Ilang taon pa siguro bago niya makalimutan ang traumatic experience na dinanas niya ngayong araw.”

“Bastos ka talaga…!” maluha-luhang sabi niya. “Halos panawan na nga ako ng ulirat dahil sa takot tapos tatawanan mo lang ako.”

He roared in laughter. “Baby, you were shrieking and squirming like a pig. Sino ba naman ang hindi matatawa sa itsura mo kanina?” Umiling ito. “Kawawang ahas…”

Inirapan niya ito pero muli lamang itong tumawa para tuksuhin siya. “Pikon ka na naman. You haven’t even thanked me yet for saving your life... again.”

“Ayoko nga…!” maktol niya kaya hindi na ito nagpumilit pa. Pero hanggang sa makarating sila sa mansion ay ngingiti-ngiti pa rin si Luke.