Hi Beth, just got your message. I'm so sorry I had to temporarily take down the guestbook for this website. Kailangan ko kasi siyang i-moderate araw-araw dahil sa SPAM and I don't have the luxury of time to do that right now. Maybe later on. 'Nga pala, thank you so much for the kind words. :)
My Sexiest Mistake Snippet #2
“DENNIS, nakita mo ba si Ace?” tanong niya sa isa sa mga maintenance engineers na naka-duty sa hangar ng araw na iyon.
“Good afternoon, Ma’am.” Tumingala ito sa kalangitan. “He’s up there.”
Kumunot ang noo niya at tila nagkabuhol-buhol ang dila sa narinig. “U-up there, where?” agad na tanong niya rito. Diyos ko, huwag naman sana!
“There,” sabi uli nito sabay turo sa itaas.
Halos umakyat ang lahat ng dugo sa ulo niya sa nakita. The small aircraft Dennis was talking about was flying in big loops in the sky and she had to gasp for air each time it went for a circular spin. God, napakabata pa niya para ma-high-blood ng ganito.
Tumakbo siya at hinabol ang eroplano na para bang maririnig ng mga sakay niyon ang pagtutol niya. “NOOO!!!” She was beyond furious.
Jet had always been a flying daredevil, pero hindi niya sukat akalain na pati ang anak nila ay isasama nito sa panunukso nito kay Kamatayan.
Anim na nakakaliyong minuto pa ang hinintay niya bago bumaba ang mag-ama mula sa himpapawid. Ace went out of the Cessna plane looking exhilarated. Kasunod ng anak niya ang tatay nitong palagi na lamang nagpapakaba sa puso niya.
“Mom, did you see that, huh?” masayang sabi sa kanya ng anak. “Did you see that?”
“Ace, go to the office.” pigil ang galit na sabi niya rito. “Hintayin mo ako roon.”
Sumunod naman sa kanya ang anak. “Bye dad...!” paalam nito kay Jet.
Iyon lang at inilang hakbang na niya ang pagitan nila ng binata. “What the heck were you thinking?” galit niyang sabi rito. Pinagpapalo niya ito sa dibdib.
Sinalo nito ang kamay niya. “What?”
“Bakit mo pinasakay ang anak ko sa eroplanong iyon?” sigaw niya sa binata. “Paano kung may nangyaring masama sa inyo— sa kanya?”
Nagkibit-balikat lamang ito. “That was just a basic maneuver,” balewalang sabi nito na mas lalong nakapagpa-init ng ulo niya. “You’ve seen me do crazier things.”
Pinagsalungat niya ang mga kamay sa dibdib. “There goes that devil-may-care attitude again, Jet. Tumanda ka na’t nagkaanak pero ganyan ka pa rin!”
“Same goes to you,” simpleng sumbat nito. “May anak na tayo pero kung sinu-sinong lalake pa ang nakikita kong kasama mo.”
“Aba’t--”
“Akala ko ba may date kayo ni Logan mo?” pag-iiba nito ng usapan. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa kagaya ng palagi nitong ginagawa.
“Wala kaming date ni Logan. Inimbitahan niya akong kumain sa labas kagabi bilang kaibigan kaya sumama ako. That's all there is to it.”
“I see,” tatangu-tangong sabi nito. “Sabi kasi ni Ace ay palagi raw nasa bahay ninyo noon ang kunehong iyon. I thought you had a dating routine of some sort.”
“Teka nga...” tila nagdududang tanong niya rito. “Nagseselos ka ba sa kanya?”
“Kapag sinabi kong oo, maniniwala ka ba?”
She was caught off-guard by his question. “H-hindi...”
Bumuntunghininga ito. “Then I guess this conversation is over.”
“Okay. Fine. But if you want to crash and burn, do it alone.” she said in a peeved tone. “Huwag mo na sanang idadamay ang anak ko.”
“Of course,” sang-ayon nito. “On one condition...”
Sa pagkabigla niya ay hinapit nito ang katawan niya at binigyan siya ng isang maalab na halik at hindi niya napigilan ang sariling tugunin ang binata. Bahagya pang tumaas ang kamay niya sa ere na tila ba hindi sigurado kung ilalayo ang sarili mula rito.
Si Jet na mismo ang unang kumalas. He left her with her eyes closed and her lips half opened, na tila ba kulang pa sa kanya ang halik na iyon.
“See babe? I’m a much better kisser than him.” anito bago umalis sa harapan niya. She was stunned. Ilang metro na ang layo ni Jet mula sa kanya bago siya nakahuma.
“You... you beast!” she yelled, but he was already too far away to even hear her.

My Sexiest Mistake Snippet #1
“HI...” masiglang bati kay Jenny ng isang guwapong binata na kabababa lang mula sa isang itim na Ducati Multistrada Superbike. Hinawi ang mga hibla ng buhok na nalaglag sa bandang mata habang hawak ang itim na helmet sa isang kamay.
Tipid siyang ngumiti at ibinalik ang atensyon sa notebook na naglalaman ng algebra assignment na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nahahanapan ng solusyon. She didn’t have time for small talk right now.
Katahimikan.
“You look like you have a very big problem,” puna nang makitang hindi siya umiimik.
He was right. She did have a very big problem. Paano ba naman kasi ay ayaw na ayaw niyang nakakakita ng mga nakaliliyong numero. Anything that concerned numbers had always been her weakness.
Wala siyang nagawa kung hindi ang tumango. “Advanced Algebra,” aniya na hindi naiwasang langkapan ang boses ng kaunting desperasyon.
“If I could solve that in three minutes, would you go on a date with me?” Itinuro nito ang notebook na hawak niya at kinindatan siya.
Kumunot ang noo niya sa kasiguraduhan sa boses nito. The guy in a dark green aviator jacket sounded like he had everything, including the whole nine yards of algebra, in the palm of his hands. Mukha rin namang hindi ito nagyayabang.
“Let me see that,” sabi nito, sabay kuha ng ballpen at papel na nakalatag sa harapan niya. He gave her an amused smile after seeing nothing but girlish doodles on her scented pink notebook.
Pumunit ito ng isang pahina mula room. “Give me a few minutes,” he said, suddenly looking as if he had a world of his own. Umupo ito sa tabi niya at nagsimulang magsulat sa blangkong papel.
Lubha siyang nagtaka sa inasal nito. “Excuse me—” pukaw niya rito. Para naman itong naghahanap ng solusyon sa problema ng mundo kung makaasta.
“Shhh...!” anito na hindi inaalis ang tingin sa ginagawa. His pen flawlessly glided on the piece of paper, na tila ba siguradong-sigurado ito sa ginagawa. She had no choice but to wait for him to finish what he was doing.
The seconds ticked away in the middle of the granite table under the tall acacia tree. May kung anong bahagi ng puso niya ang nagpasalamat na doon niya napagpasyahang magpalipas ng dalawang oras na break ngayong absent ang bestfriend niyang si Elaine.
Ilang sandali pa ay ngumiti na ito at nilagyan ng linyang parisukat ang sagot. He solved the problem in two minutes flat. Tiningnan niya ang answer key sa likuran ng libro at mukha ngang tama ang sagot nito.
A mischievous grin broke on his face, making his boyish good looks more prominent. “You can have my head on a plate if that answer is wrong,”
Alanganin siyang ngumiti. “T-thank you…”
“You’re welcome,” anito sabay nanunuksong tumingin sa kanya. Itinukod nito ang siko sa lamesa. “So are you free Friday night?”

My Sexiest Mistake Snippet
“Hindi mo ako pag-aari,” mariing saad niya nang magsimulang umarte si Jet na possessive sa kanya.
“Oh, you are mine, Jennifer.” Seryoso ang mukhang hinarap siya ng binata. “I think I’ve already made that clear the last time we made love. Gusto mo bang ipaalala ko sa iyo ang mga ginawa natin noong isang—”
“No!” she cried defensively.
Naiinis talaga si Jenny sa sarili dahil nagpadala siya muli sa damdamin niya para sa lalaking ito nang gabing iyon. Pero wala na siyang magagawa dahil nangyari na iyon. Ang tanging maaari niyang gawin ay umiwas na maulit pa iyon.
She wouldn’t dare trust herself to be alone with him again. Not now. Not ever.

Untamed Heart Deleted Scene #2
“L-LUKE...” nahihiyang bulong niya sa kanyang asawa habang nasa daan sila pauwi sakay ni Black Knight.
“What?”
She pouted her lips. “I think I have to pee.”
“Malapit na tayo sa bahay. Give it a few more minutes.”
“Hindi na pwede eh,” giit niya. “I really have to pee. As in right now.”
“Bianca, walang banyo rito at ang pinakamalapit na bahay ay isang kilometro pa ang layo,” paliwanag nito. “Hayaan mo at patatakbuhin ko ng matulin si Black Knight.”
Hindi siya sumagot bagkus ay sumimangot. Luke groaned. “Next time we come here, bring some adult diapers.”
“Eh sa talaga namang naiihi na ako, alangan namang pigilan ko ‘to!”
“Oo na. Wala na akong sinabi.” Bahagya nitong itinaas ang kamay bilang pagsuko. Umibis ito mula sa kabayo at tinulungan siyang makababa.
Tiningnan niya ang paligid. “Wala man lang ba kayong urinals dito?”
“Ekta-ektaryang lupa ang tinutukoy mo. How the hell am I going to install urinals in a land this big?” yamot na wika nito, reminding her of the man she used to know.
“It was just a suggestion.” Nameywang siya. “In the first place, ikaw naman ang nagpumilit na ipasyal ako rito hindi ba? Malay ko ba naman nag ang layo-layo nitong pupuntahan natin.”
“I’m not gonna argue with you anymore, Bianca.” anito habang hinahawi ang mayayabong na dahon sa kanilang harapan. Kapagkuwan ay itinuro nito ang mataas na lupa sa ilalim ng malaking puno. Ginagap niya ang kanyang zipper.
“Titingin ka?” takang sabi niya nang makitang hindi ito umalis sa kinatatayuan.
“Ano ba masama doon gayong asawa mo naman ako.”
“Aba, hindi pa naman ganyan kalalim ang level of intimacy natin,” pangangatwiran niya. “Kaya, please, tumalikod na ka muna.”
Tumirik ang dalawang mata nito bago tumalikod at lumayo ng ilang hakbang. “Oh God, give me patience right now,” he murmured under his breath.
Lihim siyang napahagikhik. He looked so cute when he was pissed. “Hintayin mo ako riyan,” Binuksan niya ang butones ng suot na stretch pants.
“Hurry up…!” he mumbled. “Ayokong gabihin tayo sa daan.”
She made a face. Akma na siyang uupo nang may makita siyang nakalambitin sa sanga sa mismong ibabaw ng ulo niya. Nangalisag ang mga balahibo niya sa katawan.
“Oh my God, Luke, is this... a... a snake…!?” Sinundan niya ang tanong na iyon ng isang nakabibinging tili.
MUNTIK nang mawalan ng balanse si Luke nang marinig ang tili ni Bianca. Nakasandal pa man din siya sa isa sa malalaking punong naroroon.
Nagkukumahog niyang pinuntahan ang kinaroroonan nito. He saw a medium-sized python dangling it’s head over her and it looked as if it was ready to strike. Itinaas niya ang kamay sa ere para pakalmahin ito. “Don’t move.” Buong liksi niyang dinakma ang ahas sa leeg at hinila mula sa malaking sanga.
Tila nakahinga naman ito ng maluwag si Bianca nang makita ang ahas na nakapulupot sa kamay niya. Pero sa kabila noon ay halatang nanginginig pa rin ito sa takot. He wanted to slit the snake’s throat when he saw tears flowing from her eyes.
Hindi niya alam kung ano ang uunahin sa mga sandaling iyon.
“Dito ka lang,” Binitbit niya ang ahas at itinapon iyon ilang metro ang layo mula roon. Pinagpag niya ang magkabilang kamay at iiling-iling na binalikan si Bianca. Kung bakit kasi napakalapitin nito ng disgrasya!
Pero agad naming napalitan ng awa ang pagkayamot niya nang makita ito. “I’m scared...” anito na nanginginig na tinig nang makalapit siya. Halatang takot na takot pa rin ito.
Yumuko siya sa harapan ni Bianca. “Don’t be, sweetheart, I’m here,” aniya kasabay ng pagpahid ng mga luha nito. He kissed her deeply on the lips to calm her. Walang salitang namutawi sa mga labi nito.
“Are you okay now?” maya-maya pa ay tanong niya rito.
She nodded and reached out to hug him. Ilang sandali silang nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa tuluyan nang mawala ang panginginig nito.
“ANO ba’ng nginingiti-ngiti mo diyan?” saway niya kay Luke nang muli na silang makasakay kay Black Knight.
Umiling ito. “Nothing,” he said, disguising a naughty grin on his face.
Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin siya maka-get over sa nangyari. My golly, muntik nang kagatin ng sawang iyon ang ilong niya!
“Nothing?” yamot na sabi niya. “Eh bakit para kang kinikiliti riyan?”
“Naisip ko lang kasi na baka mas natakot pa ‘yong pobreng ahas kaysa sa iyo,” tatawa-tawang sabi nito. “Ilang taon pa siguro bago niya makalimutan ang traumatic experience na dinanas niya ngayong araw.”
“Bastos ka talaga…!” maluha-luhang sabi niya. “Halos panawan na nga ako ng ulirat dahil sa takot tapos tatawanan mo lang ako.”
He roared in laughter. “Baby, you were shrieking and squirming like a pig. Sino ba naman ang hindi matatawa sa itsura mo kanina?” Umiling ito. “Kawawang ahas…”
Inirapan niya ito pero muli lamang itong tumawa para tuksuhin siya. “Pikon ka na naman. You haven’t even thanked me yet for saving your life... again.”
“Ayoko nga…!” maktol niya kaya hindi na ito nagpumilit pa. Pero hanggang sa makarating sila sa mansion ay ngingiti-ngiti pa rin si Luke.
Untamed Heart Deleted Scene #1
ARAW ng kasal nila ni Luke. Maaga pa kanina ay dumating na ang mga magulang niya kasama si Yaya Gelay kagaya ng ipinangako ng mga ito. She was so thrilled to see them again.
Tatlong katok ang narinig niya mula sa pinto.
“Napadalaw ka,” walang-emosyong sabi niya nang mapagbuksan ang bagong dating.
“I’m really not in the mood to argue with you right now, Bianca.”
Tiningnan niya ito mula ulo hanggang papa. Ngayon lamang niya ito muling nabistahang mabuti. She didn’t want to admit it but he looked gorgeous in his white polo shirt, leather shoes and black trousers. Kung hindi siya nagkakamali ay mamahaling designer outfit ang suot nito. May taste rin pala ang kunehong ito.
Lumabi siya. “Anong kailangan mo?”
“Bakit hindi ka pa nagbibihis?” anito nang makitang pantulog pa rin ang suot niya.
“Kanina pa naghihintay ang judge na magkakasal sa atin.”
“I need two hours to prepare.”
Tila na high-blood na naman ito sa sinabi niya. “Two hours?!”
“Yes,” taas-noong sabi niya. “May problema ba?”
Sumagap ito ng maraming hangin. “Everyone’s in the library except for you. Tapos sasabihin mong paghintayin natin sila ng dalawang oras?”
“Give me an hour then.”
Umiling ito. “Thirty minutes.”
“Kung gayon ay walang kasalang magaganap!”
Katahimikan.
“Bianca, our parents are expecting us to get married as soon as possible,” yamot na sabi nito. “We really don’t have much choice regarding the matter, do we?”
Nanatili siyang tahimik. She was giving him a cold shoulder. Bumuntung-hininga ito na tila nawawalan na ng pasensiya sa kanya. “Look, Judge Guttierez is a very busy man. Hindi lang tayo ang ikakasal niya sa araw na ito kaya pwede ba—”
“Well kung ayaw mong maghintay, kayong dalawa na lang ang magpakasal,” aniya sabay irap rito. “Napilitan lang naman akong pakasalan ka kaya huwag mo akong asarin!”
Luke gritted his teeth.
“Bakit, ikaw lang ba ang napilitan sa sitwasyong ito?” Tumawa ito ng pagak. “I never even dreamed of marrying someone like you. Not in this lifetime!”
“Someone like me?” aniya sabay turo sa sarili. “What do you mean someone like me? Hoy lalake, maraming nagpapakamatay sa beauty ko sa Maynila, baka akala mo.”
“Hindi mo ba nakikita? Wala tayo sa Maynila!”
Saglit siyang hindi nakaimik.
“I’m— I’m beautiful,” wika na lamang niya sa kawalan ng masabi.
“I know,” simpleng sabi nito sabay kibit-balikat. “But you’re not my type.”
Not your type!? The nerve!
“Ah ganoon ba?!” angil niya. “Well then, magpakasal kang mag-isa mo! Bastos!”
She heard him mutter something under his breath. Marahas nitong hinila ang kamay niya papasok sa silid at isinara ang pinto sa likuran nila.
“Magbihis ka,” mariing utos nito.
“Ayoko nga!”
Sinimulan nitong hubarin ang mga butones ng suot niyang pang-itaas. “What— are you doing?” nahintakutang sabi niya.
“Kung ayaw mong magbihis ay ako mismo ang magbibihis sa iyo,” balewalang sabi nito na tila ayaw magpapigil sa ginagawa.
“No…!” mariing tutol niya. Inilayo niya ang sarili mula rito.
He suddenly stopped and looked at her. “Thirty minutes?”
Binigyan niya ito ng nakamamatay na tingin. “Okay. Okay. Bababa na ako kaagad.” Ang walanghiya at gusto pa yata akong tsansingan!
Saglit na katahimikan.
“Fine.” Tinungo nito ang pinto. “Go down in thirty minutes or I swear I’m gonna rip your clothes off and dress you up myself.”
Iyon lang at iniwan na siya nito. Nagngingitngit man ay sinunod niya ang utos ng binata. Luke didn’t seem like he was joking when he said that.
Untamed Heart Snippet #2
KULOG. Kidlat. Ilang oras nang naglalakad si Bianca pero hindi pa rin niya makita ang daan pauwi. Naku, mukhang uulan pa yata!
Umalis si Jenna kasama si Trishy nang araw na iyon kaya wala siyang magawa sa loob ng mansion. Ayaw din naman niyang magbabad sa sala dahil baka makita niya si Luke at masira na naman ang araw nilang dalawa.
Inabot siya ng inip sa silid niya kaya nagpasya siyang magpahangin muna sa labas. Buong maghapon siyang naglakad sa kanlurang bahagi ng hacienda kaya hindi na rin niya namalayan ang paglipas ng mga oras.
She breathed fresh air to clear her mind. Sa Maynila siya lumaki at nagkaisip kaya sanay siya sa walang katapusang traffic at polusyon. This place, on the other hand, looked every inch like paradise. She would only be too glad to stay here forever.
Bigla ang pagdilim ng kalangitan at wala siyang makitang isa man na pwedeng mapagtanungan. Naisip niyang bigla ang binata. Siguradong magagalit na naman ang lalakeng iyon kapag nalamang wala pa siya sa bahay sa oras na iyon.
Huminto siya sa paglalakad at hinubad ang kanyang suot na sapatos para masahehin ang pagod na mga paa. Pagkatapos ay naiyakap niya ang mga kamay sa kanyang sarili. Nasaan na ba kasi ang trail na dinaanan niya kanina?
Ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin niya alam kung alin sa nagsasanga-sangang daan ang dapat niyang tatahakin. Unti-unti na siyang ginagapangan ng takot lalo na at may narinig siyang ungol ng malaking aso mula sa kung saan.
Isa pang ungol ang narinig niya. Now she was really scared to death. Luke Gabriel nasaan ka na ba? Hindi mo man lang ba ako hahanapin?
She let out a sigh of relief when she heard the sound of horse’s hooves from a few meters away. Hindi siya pwedeng magkamali sa malaking bultong papalapit sa kinaroroonan niya sakay ng isang itim at malaking kabayo.
Tila hinahabol ng sampung demonyo ang binata habang palinga-linga sa buong kapaligiran. Marahil ay hindi siya nito nakita dahil sa maliit na punong nakatabing sa harapan niya. Halatang desperado na ito kahit sa malayuan.
“Luuke...! Nandito ako!” natatarantang tawag niya rito na agad rin niyang pinagsisihan nang makita ang biglang pagdilim na mukha nito. Oh dear...!
He veered the horse towards her direction. “Hiyaah!”
Pinahinto nito ang kabayo ilang metro ang layo mula sa kanya at buong pagmamadaling bumaba mula roon. “L-luke...”
“You scared the bejesus out of me, lady!” pagkuwa’y galit na galit na sigaw nito habang papalapit sa kanya. Nahintakutan siya sa anyo nito. He looked like he was about to pounce on her with his mighty fists.
“Saan ka ba nagsususuot at dito na kita sa sangang-daan nakita?” kagyat na angil nito. “Alam mo bang mapanganib ang lugar na ito lalo na kapag gabi?!”
Tila gusto niyang maiyak sa inasal ng lalake. Akala siguro nito ay isang laksa siyang tanga kaya siya naligaw ng daan. Namayani ang tensyon sa kanilang pagitan.
She embraced herself. “N-nanginginig na nga ako sa takot dito tapos may gana ka pang magalit.” Ngayon ay natabunan na ng pagkapahiya ang takot na nararamdaman.
“You deserve it!” he snapped. “Ang tigas-tigas kasi ng ulo mo!”
Luke was dragging his words as if he lacked air to breathe. Hindi na siya sumagot pa dahil baka kapag nagsalita siya ay pumalahaw lamang siya ng iyak. Hindi niya ito bibigyan ng kasiyahan na makita siyang nasasaktan.
Pero nang makita ang pamumuo ng luha sa mga mata niya ay bigla ring lumambot ang boses nito. “Let’s go," He reached out his hand to hold her by the arm. "It's getting dark out." Maging sa ginawang iyon ay naging maingat na ito.
Inakay siya nito at pinasakay sa dala nitong kabayo bago ito sumakay sa gawing likuran niya. Moments of silence took over. Tila sanggol na nakakandong rito ang posisyon niya kaya malaya niyang naihilig ang ulo sa dibdib ng binata.
She was already in the verge of crying. Pero nanatili pa rin siyang tahimik habang tinatahak nila ang daan pauwi. Naging alipin siya ng magkahalong hiya sa sarili at sama ng loob kay Luke. She suddenly felt weak yet protected in his arms.

Untamed Heart Snippet #1
“JENNA, Hija, welcome home…!” masayang bati ni Dona Carmen sa bagong dating. “Ang tagal mong hindi nagawi rito.”
“Hello, Tita! I’m so glad to be back here!” sabi ng mestisahing babae na sa pagkakaalam niya ay anak ng kapatid na lalake ni Dona Carmen.
Sa tingin niya ay matanda lang kanya si Jenna ng mga tatlo o apat na taon. Bitbit nito ang isang taong gulang na anak na naka-ponytail ang buhok sa magkabilang dulo.
The infant was as cute as a button, lalo na kapag tumatawa.
Humalik si Jenna sa pisngi ng ginang. “Nagpagawa ho kasi kami ng bahay kaya ngayon lang kami nakadalaw uli.” Hinarap siya nito. “Wait, siya ba ang mapapangasawa ng mailap kong pinsan?”
“Yes. Yes. Hija.” excited na sagot nito. “Bagay sila hindi ba?”
Tumango ito at nginitian siya. “Hi…!”
Itinaas niya ang isang kamay bilang pagbati. “Hello,”
“Hmmm... gusto kita...” prangkang wika nito sabay ngiti. “You’re so pretty.”
Gumanti siya ng ngiti sa papuri nito. Hindi pa man niya nakikilala ng lubos si Jenna ay magaan naagad ang loob niya rito. Sa tingin siya ay magkakasundo sila ng babae.
“Oh, by the way,” anito na tila may naalala. “Would you mind looking after Baby Trishy for a while? Nasa labas kasi ang Yaya niya at mukhang may nakalimutan akong kunin sa sasakyan. Teka lang.”
“Dito lang kayo, Hija, at titingnan ko kung ano ang dala nila.”
“O-okay,” Alanganin siyang ngumiti habang inaabot si Trishy. Ngayon pa lang ay kinakabahan na siya. Goodness gracious, ano ba naman ang alam niya sa pag-aalaga ng infant!?
But the chubby little girl melted her heart when she carried her. Hindi pa man ay gusto na niyang magkaananak ng ganito ka-cute na bata.
“Cooo... cooo...!” humagikhik ito habang tinutusok ng daliri ang mata niya.
Marahan niyang piningot ang pisngi nito. “Cutiepieeee…”
Habang karga-karga niya si Trishy ay siya namang pagdating ni Luke mula sa bukid. Hinubad nito sa labas ng pinto ang botas na suot. Agad na nagliwanag ang mukha nito nang makita ang bata. “Hello, Baby Munchkin!” masuyong sabi nito.
Tumaas na naman ang kilay niya. Oh really? Si Luke, mahilig sa baby? Bigla yatang nag-iba ang ihip ng hangin.
“Give Tito Luke a big kiss, sweetheart.” anito nang makalapit sa kanila. Ibinaba nito ang mukha para halikan ang cute nitong pamangkin.
Baby Trishy giggled and moved her face away from Luke. Isang kamison na malalim ang ukab sa gitna ang suot niya kaya hindi sinasadyang magkadaiti ang labi ng binata at ang itaas na bahagi ng kanyang dibdib.
Hoy boobs ko iyang hinahalikan mo, impakto ka! Papiksi niyang iniiwas ang sarili kahit huli na ang lahat. Sensual heat already emanated from his wet lips to her bosoms. Maging si Luke ay nabigla rin yata sa nangyari.
“Cooo... cooo...!” muling sabi ng bata.
Tumikhim si Luke para pawiin ang namuong tensyon sa pagitan nila. She was so sure he felt it too. Nahalata niya iyon dahil sa bahagyang pamumula ng mukha nito.
“Uyyy, nagpa-practice na ang dalawa.” tukso ni Jenna mula pinto. “Pagkatapos ng kasal gawa kaagad kayo ng baby.” Kagyat siyang natigilan.
“Jenna...” mahinang saway dito ng binata. Minasahe ni Luke ang batok na tila ba napahiya. He suddenly looked like a schoolboy caught in the act of kissing his girlfriend for the very first time.
“O, bakit ba? Kahit nga hindi mag-asawa gumagawa ng baby. Kayo pa kaya?” sagot nito na ikinapula ng mukha niya.
Luke groaned scornfully. “You never changed one bit, my darling cousin.”
“Biro lang," Tinakpan ni Jenna ang mukha at humagikhik. "Ito talaga, napikon kaagad!”
Pagkatapos ibigay si Trishy sa mommy nito ay kaagad siyang nagpaalam sa mga kasama. Kulang na lang sy kumaripas siya ng takbo palayo sa lugar na iyon dahil hindi niya matagalan ang matiim na mga titig sa kanya ng binata.

Untamed Heart Synopsis
Napakapribadong tao ni Luke Garchitorena, kaya kahit nabibilang siya sa pinakamayayamang pamilya sa buong Pilipinas ay hindi siya komportable sa harap ng media. Mas gusto rin niya ang payapang buhay sa probinsya.
Kaya halos makalog ang utak niya nang malamang ipapakasal siya ng ina sa isang commercial model at kilalang fashionista. Ang plano niya ay makapag-asawa ng babaeng taga-hacienda pagdating ng panahon: maganda, mabait, marangal, maalaga at higit sa lahat ay simple.
Ang layo ng Bianca Marie Mijares na iyon sa tipo niya! Well, napakaganda nito, sexy at masarap halikan... bed partner siguro puwede pa, pero asawa? No way!

Mahal kong Alipin Snippet #2
“You said you were going to go back to Manila after your father’s funeral but you didn’t." malambing na wika ng babaeng bisita habang nakayakap kay Carlo. Masyado akong nag-aalala ako kaya sumunod na ako rito.”
Tama ang hinala niya. Mukha ngang alembong at malandi ang bisita ng binata. Hindi naman malaswa ang suot nito pero tila posporo kung ikiskis nito ang sarili sa binata. Hindi na siya magtataka kung bigla na lamang itong magliyab sa harapan niya.
"Maganda pala itong lugar ninyo." Inikot nito ang tingin sa kabuuan ng bahay. "I could actually live here!” Tikhim lamang ang isinagot ni Carlo habang pasimpleng inilalayo ang katawan mula sa pagkakayakap ng nito.
Sadya niyang binigatan ang paghakabang para lumikha ng tunog ang kanyang mga paa habang bumababa sa hagdan. “At sino naman ang isang ito, kapatid mo?” nakataas ang kilay na tanong ng babae nang makita siya.
“I’m an only child Isabelle,” simpleng tugon ng binata.
“Well, who is she?” mataray pa ring sabi ng babae habang binibigyan siya ng nang-uuring mula ulo hanggang paa. “Hindi naman siya mukhang katulong.”
Naningkit ang mata niya sa sinabi nito at hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Carlo. Kitang-kita niya ang lihim na pagngiti nito.
“Why don’t I take you on a tour of the place tomorrow?” nasabi na lamang ng binata para basagin ang tensyon sa pagitan niya at ni Anabelle.
Dagli naman itong humarap kay Carlo at muli itong niyakap. “Oh, yes! I’d love that!” nasisiyahang sabi nito sabay halik sa pisngi ng binata. “The bus ride was excruciating but you’re making it all worth it.”
Hinawakan niya ang katabing vase at wala sa loob na pinilipit ang mga dahon roon. Talagang sinusubok ng alembong na ito ang kanyang pasensiya. “Ano iyan?” kunot-noong sabi ni Carlo nang makita ang ginawa niya.
Nang makabawi ay matamis siyang ngumiti. “Wala," Iniabot niya sa babae ng mabigat vase na may lamang malalaking poinsettia. "Naisip ko lang na ibigay ito sa napakabait at napakaganda mong bisita.”
“Ay...!” nabibiglang sabi ni Annabelle matapos mapilitang tanggapin ang vase mula sa kanya. "My God, Carlo, help me with this!"
Ngali-ngaling sabunutan niya ang babae dahil sa sobrang kaartehan nito. “Aakyat na muna ako at may tatapusin pa ako.” Huwad siyang ngumiti sa para itago ang nararamdaman inis. “Magandang gabi inyong dalawa."
Bago umalis ay nakita niyang kinuha ni Carlo mula kay Anabelle ang vase at inilapag iyon sa marmol na sahig. “Well, whoever she is, she’s a bitch.” narinig niyang bulong ng babae na mahinang ikinatawa ng binata.

Mahal kong Alipin Snippet #1
Hindi alam ni Annabel kung paano sila muling nakarating sa silid ng binata. Ang tanging iniinda niya ay ang sakit ng pagkakahawak nito sa braso niya. “You can only do so much damage to a man’s ego, my dear Annabel.”
Nang maisarado na nito ang pinto ay pabalya siyang pinaupo nito sa kama. Sa nakikita niya ay nagpipigil lamang ito para huwag siyang saktan. Marahas nitong binuksan ang kanyang damit sa harapan.
“A-anong ginagawa mo?” sabi niya habang pilit iniiwas ang sarili mula sa mga kamay ng binata.
“Ibinibigay sa iyo ang gusto mo kagaya ng palagi kong ginagawa.” puno ng sarkasmong sabi nito. “Gusto mong maging alipin ko hindi ba?”
“Hindi ko pinangarap na maging alipin mo!” angil niya sabay tayo para tuluyang makalayo rito.
“Sana ay inisip mo iyan bago ka pumasok dito sa silid ko!” galit na wika ng binata.
Muli nitong hinawakan ang braso niya at inakay siya sa bahagi ng silid na nakaharap sa malaking hardin sa ibaba.
“Carlo--” Tila siya isang manika na kulang na lang ay ilampaso nito sa sahig. “Ano ba? Nasasaktan ako.”
“Ikaw pa ngayon ang may ganang masaktan?” angil nito mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya.
“B-bitiwan mo ako!” Pinilit niyang muling makawala mula sa pagkakahawak nito. “Hindi mo ako pag-aari!”
Painsultong tumawa ang binata. “Iyan ang akala mo!”
Hinawi nito ang malaking kurtinang nakatakip sa glass door na nag-uugnay sa silid at sa malaking balkonahe. “Nakikita mo ba ang araw na iyan Annabel?” Itinuro nito ang nakabubulag na sinag mula sa labas. “Hangga’t sumisikat at lumulubog ang araw na iyan ay ako ang magmamay-ari ng puso, katawan at kaluluwa mo! Naiintindihan mo?”
Napasinghap siya sa nakitang galit sa mukha ng binata. Kilala niya ang bahaging iyon ng pagkatao nito. Hindi ito madaling magalit at palagi na’y mahinahon ito sa pagharap sa anumang suliranin.
Ngunit kaya rin nitong maging sintigas ng bakal kapag hinihingi ng pagkakataon.
“Having said that, mula sa araw na ito ay ikaw na ang mag-aasikaso ng lahat ng pangangailangan ko... mula sa paghahanda ng almusal ko hanggang sa pagpapainit ng mga gabi ko.”
Binitiwan siya nito at pinag-krus ang mga kamay sa gitna ng dibdib. “Ngayon kung gusto mong ibang lalake ang magpakasasa sa iyo ay sabihin mo lang dahil handa akong ipakain ka ng buo sa buwayang nag-aabang sa iyo sa labas!”

Mahal kong Alipin Synopsis
Matapos ang tatlong taong pamamalagi sa Amerika ay bumalik si Carlo sa bayan ng Valladolid para asikasuhin ang libing ng pumanaw na ama at halinhinan ito bilang panginoon ng Hacienda Armendariz.
Labag man sa loob ni Annabel dahil galit siya sa pamilya ni Carlo, kinailangan niyang ibigay ang sarili sa kababata para makaiwas sa pinsan nitong si Roman.
Minsan sa nakaraan niya ay inibig niya ang binata at somehow, naniniwala siyang minahal din siya nito. Pero kaya bang ibalik ng isang gabi ng mainit na pagniniig ang kanilang naunsyaming pag-ibig?
Bayarang Puso Snippet #2
She was sitting on a wooden chair by the kitchen counter with Nick standing right in front of her that lazy Sunday morning. Nagluluto ito ng eggs benedict na ilang araw na niyang niri-request mula rito.
“Nick, may hihilingin sana ako sa iyo.” she started, noticing how gorgeous he still looked while wearing a slightly soiled mother goose apron. Napansin niyang kahit sa paghihiwa mga sangkap ay de-numero ang kilos nito.
He gave her a quick glance. “Nasa iyo ang isang credit card ko hindi ba?” wala sa loob na sabi nito habang pinipiga ang ilang piraso ng lemon para sa ginagawang hollandaise sauce. "You can use that anytime you want."
Humaba ang nguso niya, tila naglalambing. “Hindi naman kasi kayang bilhin ng credit card mo ang hinihingi ko.”
“Baka naman kasi Eiffel Tower na ang tinangka mong bilhin.” Nilagyan nito ng bacon strip ang ibabaw ng english muffin. “Talagang hindi nila iyon ibibigay sa iyo.”
Umiling siya at pagkatapos ay ngumiti. “It’s not a material thing,”
“Oh...!” Saglit itong napahinto ito sa ginagawa. “Why didn’t I think of that?”
“Kayang-kaya mo namang ibigay ang hihilingin ko.” paninigurado niya.
He nodded. “Let’s hear it then,”
“Hindi mo na ulit ako lalayasan ng ganoon katagal,” tukoy niya sa halos isang linggong paninikis nito sa kanya ilang araw na ang nakararaan.
Dagling umilap ang mga mata niya nang makita ang pagkunot ng noo ni Nick habang nakatitig sa kanya. “I-iyan ay kung gusto mo lang naman,” she added defensively.
He flashed a wide smile on his face. “Hindi naman kita nilayasan,” pagkuwa'y wika nito. “May annual conference lang talaga akong pinuntahan sa Davao kaya--”
“Nag-conference rin ba ang cellphone mo kaya hindi man lang niya naisipang tawagan ako?” lukot ang mukhang sumbat niya rito.
“Nag-aaway na naman po kami,” he murmured, rolling his eyes in amusement.
Nameywang siya. “Gagawin mo ba o hindi?”
“Oo na,” pagkuwa’y sabi ng binata. "Gagawin na po mahal na reyna."
She gave him a contented smile. “Good,” aniya habang patuloy na nanonood sa ginagawa nito. Nick moved and grooved inside the kitchen as if it was his rightful territory.
Maya-mayapa ay inayos na nito ang lahat ng ingredients sa puting plato at itinulak iyon sa kanyang direksyon. Kumuha rin ito ng isang piraso ng puting tulip mula sa kalapit na vase at inilagay iyon sa gilid ng tenga niya.
“Wow...!” Nanaki ang mga mata niya na tila bata. “Mukhang masarap,”
He shrugged casually. “Kapag tumaba ka iiwanan kita ha,” pabirong sabi ng nito habang pinupunasan ng kitchen towel ang kamay.
“He. He. He.” she said in mock laughter. "Very funny,"
Kumuha siya ng tinidor at nagsimulang kumain.
"Masarap?" Itinukod ni Nick ang dalawang braso sa lamesa at inilapit ang mukha sa mukha niya. Isang pilyong ngiti ang gumuhit sa labi nito habang tinitigan siya.
"Uh-huh!" Her eyes furrowed when their eyes met. “What?”
“Now let’s talk about my side of the bargain.”
“Here," she teased. Kinuha niya ang kulay gintong credit card sa lamesa at itinaas sa mukha niya. "Buy whatever your heart desires. Bumili ka ng yate kung gusto mo.”
Umiling ito. “It’s not a material thing.”
“Sinasabi ko na nga ba. Hindi ka talaga nagbibigay ng walang kapalit.” she said in fake annoyance. “What is it then?”
Nakakaloko itong kumindat. “It’s something you haven’t done to me before,” he whispered, filling her heart with playful anticipation.
"Ano naman iyon?”
Inilapit ng binata ang bibig nito sa tenga nya at may ibinulong. Napamulagat siya sa narinig. “Is that even possible?”
Nagsalimbayan sa pagtaas ang dalawang kilay ng binata at muling ngumiti ng pilyo. He quickly picked her up from the kitchen chair and headed straight to the master's bedroom. Napuno ng mga tili niya ang buong condo unit dahil sa ginawa nito.

Bayarang Puso Snippet #1
Sa gitna ng malakas na ulan ay huminto si Anna sa tabi ng daan. Niyakap niya ang sarili para maibsan ang nararamdamang lamig. Ang suot pa man din niya ay ang manipis na damit mula pa kagabi. Nang makita niyang tinutumbok ng estranghero ang lugar na kinaroroonan niya ay nagsimula siyang maglakad palayo.
”Miss...!” malakas na tawag nito sa kanya. “Wait!”
”Layuan mo ako!” Lakad-takbo pa rin siyang lumayo kaya alang itong nagawa kung hindi ang habulin siya at hawakan sa braso.
”Hey! Hey!" inis na sabi nito nang maabutan siya. His half naked glory was dripping wet with rainwater. "Pwede bang tumigil ka sa kakalakad ng walang direksyon?”
“Bitiwan mo ako!” Tinangka niyang bawiin ang kamay niya pero hindi pa rin iyon binitiwan ng binata.
“At saan ka naman pupunta?” Tila nauubusan na rin ito ng pasensiya. “Kung inaakala mong may dadaang sasakyan dito ay nagkakamali ka dahil bukod sa pribado ang lugar na ito ay nakikita mo naman siguro na mukhang may parating na unos.”
Umiwas siya ng tingin. “Meron akong importanteng pupuntahan.”
“Who?" he mocked. "Another customer?”
Kahit hindi niya nakikitaang sarili ay alam niyang namula ang mukha niya sa sinabi nito. “Wala ka nang pakialam doon!” Ipinagpatuloy niya paglalakad.
“Miss ano ba?” sabi nito sabay hawak ulit sa kamay niya. “You’re going to catch a cold if you keep on doing this!”
Kumunot ang noo niya sa nahigingang pag-aalala sa boses ng lalake. “Ako naman ang magkakasakit hindi ba?”
”Well honey, it’s your unlucky day, dahil hindi ako ang tipo ng lalakeng nagpapabaya sa babaeng kasama ko. There’s no way in hell I’m going to leave you out here!”
”Sinabi nang kaya ko ang sarili ko...!” pagmamatigas niya.
“Really? Sige!” sarkastikong wika nito. “Papayagan kita diyan sa gusto mo. Pero kapag namatay ka sa gutom at lamig ay hindi talaga kita pakikialaman.”
Pagkarinig niyon ay muli siyang naglakad palayo.
“God, ang tigas ng ulo mo!” Walang inaksayang panahon ang lalake para makalapit sa kanya. Halos inilang hakbang lamang nito ang pagitan nila at parang walang anumang pinangko siya pauwi sa resthouse.
Nagpapapalag siya para makawala mula rito. “Ibaba mo ako ano ba...!?”
Ibinaba siya ng lalake na noon ay tila napagod sa pagsalag sa mga kamay niya. “You’ve got quite a temper lady...!” Maya-maya pa ay hinawakan siya nito sa magkabilang pisngi at mariing hinalikan sa mga labi bilang parusa.

Bayarang Puso Synopsis
“Gusto kong kunin ang serbisyo mo sa loob ng isang buwan,” malamig na deklara ni Nick. “Gawin na nating dalawa o tatlo kung hindi pa ako nagsasawa sa ’yo.”
“Take your itch somewhere, Nick. Maraming babae ang gagawa ng gusto mo nang walang kapalit,” tiim-bagang na sagot ni Anna.
“You don’t understand.” Umiling ito. “Ikaw ang gusto ko. Kaya samantalahin mo na habang nababaliw pa ako sa ’yo.”
Naningkit ang mga mata niya. “You are a monster. Katawan ko lang pala ang gusto mo!”
“Pera ko lang rin naman ang gusto mo so we’re even.”
Mas simple nga siguro kung tama ang binata sa sinabi nitong iyon. Pero dahil ni hindi sumagi sa isip ni Anna ang pera noong una siya nitong inangkin, it made everything a lot more complicated....